Bagyong ‘Lando’ papasok sa PAR Miyerkules ng hapon
MANILA, Philippines – Inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) mamayang Miyerkules ng hapon ang bagyong may international name na “Koppu” ayon sa state weather bureau.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa 1,675 kilometro silangan ng Luzon kaninang alas-4 ng umaga.
Taglay ni Koppu ang lakas na 65 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 80 kph, habang gumagalaw pa-kanluran sa bilis na 20 kph.
Pangangalanang “Lando” ang bagyo kapag pumasok na sa PAR.
Sinabi ng PAGASA na mataas ang tsansa na tumama sa kalupaan ng hilagang Luzon ang bagyo kapag napanatili nito ang lakas.
- Latest