^

Bansa

Lakas-CMD inaaral na ang susuportahan sa 2016

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinag-aaralan pa ng Lakas-CMD kung sino ang susuportahang Pangulo at Pangalawang pangulo ng bansa sa 2016 elections.

Sinabi ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez, chairman ng Lakas-CMD, hindi kumuha ang kanilang partido ng pormal na koalisyon kaya plano nila na pagkatapos mag-file ng lahat ng mga kandidato sa Biyernes ay saka lamang umano mag-uusap-usap ang kanilang partido para pinal na tukuyin kung sino ang Presidential at Vice Presidential bet na susuportahan.

Tatalakayin umano ng partido kung anong klaseng relasyon din ang mayroon sila sa ibang partido gayundin ang mga nag-iimbita sa kanila upang matimbang ng husto ang mga dadalhing pambato.

Kahapon ay naghain ng kanyang Certificate of Candidacy si Romualdez na tatakbong Senador sa 2016 at inamin na naimbitahan siya na maging guest candidate sa ilalim ng Poe-Escudero tandem, Binay-Honasan ng United Nationalist Alliance at kung sakaling magbago ang isip at tumakbong Pangulo si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ay nasa ilalim din siya ng senatorial slate nito.

Samantala, hihilingin naman ni Romualdez kay Pa­ngulong Aquino na ideklarang urgent bill ang panukalang pagbibigay ng tax exemption sa Persons With Disabilty (PWD)  at ibang diskwento na katulad ng nakukuha ng mga senor citizens.

ANG

CERTIFICATE OF CANDIDACY

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

FERDINAND MARTIN ROMUALDEZ

LAKAS

LEYTE REP

PANGULO

PERSONS WITH DISABILTY

ROMUALDEZ

UNITED NATIONALIST ALLIANCE

VICE PRESIDENTIAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with