^

Bansa

Miriam tatakbong pangulo sa 2016

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakatakdang maghahain ng kaniyang certificate of candidacy (COC) si Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Sinabi ni Santiago na desidido na siyang tumakbong muli sa pinakamataas na pwesto sa gobyerno matapos niyang malagpasan ang sakit.

“I will definitely run, I've already gotten over my cancer because there’s nothing left to do. I can apply for a job abroad like the one I lost because of my cancer but since I have served the government from the very beginning I will end my career there,” pahayag ng senadora.

Dagdag niya na ang kaniyang magiging running mate ay isa na sa mga naghayag ng pagtakbo bilang bise presidente.

“I will not mention it yet, that is for you to guess. He has already announced, so we will be running together. I cannot give the answer.”

Ilan sa mga naghayag na ng pagtakbo na walang katambalan ay sina Sen. Bongbong Marcos, Sen. Alan Peter Cayetano at Sen. Antonio Trillanes IV.

Sinabi pa ni Santiago na tanging ang pagkakaroon lamang muli ng cancer ang pipigil sa kaniya.

 “Possibly Friday, because it’s always such a circus there during the date of filing candidacies,” sagot ni Santiago kung kailang maghahain ng COC.

Sa book signing ng kaniyang librong “Stupid is Forevermore” ay nakasuot ng pulang t-shirt ang staff ng senadora na may nakalagay na “Miriam 2016.”

Taong 1992 nang tumakbo bilang pangulo si Santiago ngunit natalo kay dating Pangulo Fidel V. Ramos.

ACIRC

ALAN PETER CAYETANO

ANTONIO TRILLANES

BONGBONG MARCOS

DAGDAG

ILAN

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

NAKATAKDANG

PANGULO FIDEL V

POSSIBLY FRIDAY

SINABI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with