Mag-amang Binay pinakakasuhan ng Ombudsman
MANILA, Philippines - Matapos kakitaan ng pro-bable cause, pinakakasuhan na ni Ombudsman Conchita Carpio Morales sina Vice President Jejomar Binay, Sr., Makati Mayor Jejomar Erwin“Jun-Jun” Binay, Jr., at 22 iba pa may kinalaman sa maanomalyang bidding at pagtatayo ng Makati carpark building project na ginawa mula noong 2007 hanggang 2013.
Kasong paglabag sa Section 3(e) ng RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act), Malversation of Public Funds at Falsification of public documents ang pinakakaso sa mag amang Binay at sa 22 iba pa.
Si VP Binay ay nahaharap sa 4 counts ng paglabag sa Section 3 (e) ng R.A. No. 3019, 6 counts ng Falsification of Public Documents at isang count ng Malversation para sa kanyang pagkakasangkot sa phase 1 at 2 ng carpark project.
Sa record, inaprubahan ni VP Binay at Mayor Binay, Jr ang BAC resolutions, notices of awards, contracts at bayarin sa proyekto gamit ang unnumbered/undated disbursement vouchers at obligation requests.
Tinaasan naman ng kilay ni Ombudsman Morales ang sabi ni VP Binay na ang Ombudsman ay walang hurisdiksiyon na im-bestigahan ang mga impeachable officials.
- Latest