^

Bansa

Rep. Gatchalian inendorso dahil sa ‘no garage, no car policy’

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inindorso ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno si Nationalist People’s Coalition Rep. Win Gatchalian kaugnay sa kanyang House Bill na hindi puwedeng bumili ng mga bagong sasakyan kung wala silang parking space para hindi makasagabal at makasikip sa lumulubhang traffic sa Metro - Manila at karatig pook.

Ang mga kinatawan ng PNP-HPG, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB),  MMDA, at  LTO, ay sumusuporta sa House Bill No. 5098,  “Proof of Parking Space Act.”

Sinabi ni HPG director Chief Supt. Arnold Gunnacao, ang panukalang batas na “no garage, no car policy,”  ay magbabawal na sa mga gustong bumili ng mga bagong sasakyan na walang mga garahe kaya naman malaking tulong ito para maiwasan ang mga sagabal sa mga kalye na nagiging dahilan para lumobo ang trapiko.

Sa ilalim ng panukalang batas HB 5098, ang mga gustong bumili ng mga bagong sasakyan ay dapat patunayan sa LTO na sila ay may garahe.

Sinabi ni Gatchalian sa ginawang pagdinig ang kanyang mungkahi na said ‘Proof of Parking Space Act,’ ay magiging daan para mawala ang mga obstruction sa mga kalsada na nagiging dahilan para magsikip ang mga kalye.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARNOLD GUNNACAO

CHIEF SUPT

COALITION REP

HOUSE BILL

HOUSE BILL NO

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

MGA

NATIONALIST PEOPLE

PROOF OF PARKING SPACE ACT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with