^

Bansa

Binay at Gringo nag-file ng COC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagtungo kahapon sa tang­­gapan ng Commission on Elections para mag-file ng kanilang mga Certificate of Candidacy ang standard bearer ng United Nationalist Alliance na si Vice President Jejomar Binay at runningmate niyang si Senador Gregorio Honasan.

Ang ‘‘Bingo team’’ (pinag­samang pinaikling pangalan nina Binay at Honasan) ang unang pares ng kandidatong presidente at bise presidente na naghain ng COC sa unang araw ng isang linggong ta-ning sa pagsasampa nito sa Comelec.

Kasama ni Binay ang asa­wa niyang si Elenita at mga anak na sina Senator Nancy at suspendidong Makati Ma-yor Junjun Binay.

Ilang minuto bago nagsimula ang pagsasampa ng COC, kinumpirma ni Honasan ang pagtakbo niya bilang bise presidente.

Dumating ang kanilang grupo sa Comelec nang may kasamang marching band na ang mga miyembro ay nakasuot ng Binay shirts. Naunang dumating dito ang kanilang mga tagasuporta.

Sinabi ni Binay na ang maralitang mga Pilipino ang kanyang inspirasyon at patuloy niyang ipagtatanggol at pagsisilbihan ang mga ito.

“Isang hangarin lang ang gumabay sa aking dala­wampu’t siyam na taong pag­liling­kod: Ang tugunan ang daing ng mahihirap,” paliwanag ni Binay sa isang pahayag. “Tulad ng marami nating kababayan, ako ay laking mahirap. Nang mamatay ang nanay ko at nasunog ang aming bahay sa Pasay, kami ay napalipat sa Makati. Sa kabutihang palad, ako ay napatira at pinalaki ng aking tiyo, na kapatid ng tatay ko,’’ ani Binay.

 

ACIRC

ANG

BINAY

CERTIFICATE OF CANDIDACY

COMELEC

HONASAN

JUNJUN BINAY

MAKATI MA

SENADOR GREGORIO HONASAN

SENATOR NANCY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with