Binay, Honasan unang naghain ng COC sa Comelec
MANILA, Philippines — Tulad ng pangalan ng kanilang partido, unang naghain ng kanilang certificates of candidacy (COC) sina Bise Presidente Jejomar Binay at Sen. Gregorio "Gringo" Honasan ng United Nationalists Alliance (UNA).
Tatakbong pangulo si Binay habang bise presidente si Honasan na nagpasa ng kanilang COC sa tanggapan ng Commission on Elections sa Intramuros ngayong Lunes ng umaga.
Sinadya talaga ng tambalang "Bin-Go" na mauna sa paghahain ng kandidatura upang mapanindigan ang "UNA."
Inaasahang maghahain na rin ng kanilang COC ang iba pang presidential candidates na sina dating Interior Sec. Mar Roxas at Sen. Grace Poe.
Makakalaban naman ni Honasan sina Sens. Alan Peter Cayetano, Francis "Chiz" Escudero, Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. and Antonio "Sonny" Trillanes IV at Camarines Sur Rep. Maria Leonor "Leni" Robredo.
- Latest