^

Bansa

Filing ng COC simula na ngayon

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Simula na ngayon ang paghahain ng certificate of candidacies (COCs) sa Comelec ng mga kandidato sa May 2016 elections.

Kasabay nito, kanselado ang pagpaparehistro ng mga botante at muling bubuksan sa Oktubre 17, Sabado.

Nanawagan naman si Comelec Chairman Andres Bautista para sa kaayusan ng magiging proseso ng paghahain ng COCs ngayon. Aniya, pahihintulutan nila ang pagdadala ng mga banda ng mga taga-suporta ng mga kandidato, subalit kaila­ngan lamang na tiyakin ng mga ito na nasa maayos na paraan.

“Sa aking palagay itong gagawin natin sa linggong ito ay parang we are ce­lebrating our democracy,” ani Bautista.

Nakipag-ugnayan na rin ang Comelec sa MMDA at PNP para masiguro ang kaayusan sa lugar.

Samantala, ngayon inaasahang pupunta si Vice President Jejomar Binay sa Comelec para maghain ng kanyang kandidatura sa pagkapangulo.

Tatanggapin pa rin ng Comelec ang ihahaing COC ni Sen. Grace Poe para sa pagtakbo nito bilang pangulo sa 2016 sa kabila ng tumatakbong kaso ng senadora sa Senate Electoral Tribunal (SET) kaugnay ng citizenship nito.

Sinabi ni Bautista na wala pang pasya ang SET kaya’t malaya pa si Poe na maghain ng kanyang COC.

Nilinaw din ng Co­melec na wala pa silang pagbabawalang maghain ng COC ngayong linggo kabilang na ang mga nuisance candidates.

Ayon kay Bautista, may direktiba siya na tanggapin ang lahat ng magsusumite ng kanilang COC.

Sa Disyembre 10 na­katakdang ilabas ng Co­melec ang opisyal na pangalan ng mga kwa­lipikadong kandidato na lalabas sa balota.

ACIRC

ANG

ANIYA

BAUTISTA

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA

GRACE POE

MGA

SA DISYEMBRE

SENATE ELECTORAL TRIBUNAL

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with