^

Bansa

Tesda chief nagbitiw

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbitiw na kahapon si TESDA director-general Joel Villanueva sa Gabinete ni Pangulong Aquino bilang paghahanda sa pagtakbo nito bilang senador sa ilalim ng Liberal Party (LP) sa 2016 elections.

Isinumite ni Sec. Villanueva ang kanyang resignation letter sa Pangulo kahapon sa Malacañang sa pamamagitan ni Executive Sec. Paquito Ochoa Jr.

Nagpasalamat si Villanueva sa ibinigay na pagkakataon ni PNoy na maging bahagi ng official fa­mily nito upang makapaglingkod sa taumbayan bilang TESDA chief.

Siniguro naman ni PNoy na tatakbo si Villanueva sa ilalim ng LP taliwas sa mga napaulat na ibang partido ang pupuntahan nito.

Aminado naman si Villanueva na hindi siya kompor­tableng kasama sa entablado sa darating na kampanya si Sec. Leila de Lima dahil sa pag-uutos nitong sampahan siya ng kaso kaugnay ng PDAF scam gayung mismong NBI ang nagsabing peke ang sinasabing dokumento na nag-uugnay sa kanya sa pork scam.

ACIRC

AMINADO

ATILDE

EXECUTIVE SEC

GABINETE

ISINUMITE

JOEL VILLANUEVA

LIBERAL PARTY

PANGULONG AQUINO

PAQUITO OCHOA JR.

VILLANUEVA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with