Suporta sa distressed OFWs hihingin ni Gordon
MANILA, Philippines - Nagtungo sa Austria si Philippine Red Cross Chair Richard Gordon nitong Linggo ng gabi para pangunahan ang talakayan sa ika-50 taong anibersaryo ng International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies’ (IFRC) Fundamental Principles.
Sa gaganaping isang linggong talakayan sa Vienna, Austria, isusulong ni Gordon ang pagkakaroon ng partnerships para sa PRC program na tutulong sa mga nangangailangang overseas Filipinos sa pamamagitan ng 189-strong network ng Red Cross and Red Crescent societies sa buong mundo.
Pasasalamatan din ni Gordon ang mga miyembro ng International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies’ (IFRC) sa patuloy nitong pagsuporta sa health, welfare, at disaster relief programs ng PRC sa bansa.
Pangungunahan ni Gordon, na miyembro din ng IFRC governing board, ang diskusyon sa pagsasarili ng Red Cross at Red Crescent societies, isa sa pitong fundamental principles ng Red Cross and Red Crescent.
Tatalakayin din ni Gordon kung papaano magagawa ng Red Cross and Red Crescent societies sa buong mundo na makatrabaho ang gobyerno habang namamantina ang hiwalay at walang kinikilingang pagtulong sa assessment at pagpapadala ng tulong sa mamamayan.
- Latest