Junjun Binay dinismis na bilang Makati mayor
MANILA, Philippines - Tuluyan nang dinismis ng Office of the Ombudsman si suspended Makati Mayor Junjun Binay kaugnay sa maanomalyang Makati City Hall parking building.
Sa ibinabang utos ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales kahapon, malakas ang ebidensyang nag-uugnay sa alkalde sa kontrobersiya sa kontrata ng parking building kaya dismissal ang desisyon sa kanyang “grave misconduct at serious dishonesty.”
Dahil dito, hindi na makatatanggap ng mga benepisyo si Binay bilang alkalde ng Makati City tulad ng retirement, sweldo at iba pang mga bonus nito.
Puwede namang maghain ng motion for reconsideration (MR) ang kampo ni Binay sa Court of Appeals o Supreme Court ngunit effective immediately ang pagpapatalsik dito.
Sinuspinde si Binay sa ikalawang pagkakataon dahil naman sa overpriced umanong Makati Science High School.
Samantala, dinismis din sa serbisyo si Masbate Gov. Rizalina Lanete dahil naman sa maanomalyang paggamit ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) mula 2007 hanggang 2009 na may halagang P112.29 million.
- Latest