BBL malabong pumasa kahit sertipikahang ‘urgent’ bill
MANILA, Philippines - Kahit na sertipikahan ni Pangulong Aquino bilang urgent bill, wala pa rin katiyakan na maipapasa ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Sinabi ni House Majority leader Neptali Gonzales II, walang garantiya na mai-shortcut ang BBL sakaling maglabas ng certification ang Pangulo.
Paliwanag pa ni Gonzales, ang sertipikasyon ay kayang mapabilis ang botohan sa 2nd reading at 3rd and final reading.
Subalit sa sitwasyon ng BBL sa Kamara, hindi umano kayang madaliin ang period of debates, kahit pa maglabas ngayon ng sertipikasyon si PNoy.
Una nang humirit ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) kay Pangulong Aquino na sertipikahan bilang urgent measure ang BBL para mapabilis ang proseso at maipasa ang panukala bago matapos ang 2015.
- Latest