CGMA detention ilegal - UN
MANILA, Philippines - Inihayag ng United Nations (UN) na ilegal at paglabag sa international law on human rights ang ginawang hospital detention kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Ito ang nabatid kay Atty. Alamuddin Clooney, misis ng Hollywood actor na si George Clooney, na siyang kumakatawan kay Arroyo sa human rights complaint nito laban sa Phl government sa international arbitrary, base sa UN Working Group on Arbitrary Detention.
Sinabi sa ulat ni Clooney na ang ginawang pagkulong kay Arroyo dahil sa plunder ay “politically motivated”.
“The UN opinion finds that the detention of former President Arroyo was arbitrary and illegal under international law because the Sandiganbayan court failed to take into account her individual circumstances when it repeatedly denied her bail,” ayon sa email ni Clooney kay Gadon.
Sinang-ayunan din umano ng nasabing Working Group na ang ginawang pagsasampa ng kaso kay Arroyo ay may bahid pulitika dahil ang pagkakakulong nito ay bunga ng naging bahagi siya ng gobyerno.
“Further, the Working Group recognized that the charges against Mrs. Arroyo are politically motivated, since she is detained ‘as a result of the exercise of her right to take part in government and the conduct of public affairs’ and ‘because of her political … opinion,’” ayon pa sa email.
Binigyang-diin ni Clooney na inirekomenda na ng UN Working Group sa Sandiganbayan na irekonsidera ang kanilang naging desisyon na nagbabasura sa piyansa ng dating Pangulo at mabigyan siya ng tamang kompensasyon dahil sa pagkait ng kanyang karapatan at kalayaan.
Si Gng. Arroyo ay tatlong taon nang naka-hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) dahil sa kasong plunder sa umano’y ilegal na paggamit nito ng P366 milyong intelligence funds ng PCSO mula 2008 hanggang 2010.
Naka-confine ang dating Pangulo sa VMMC matapos ma-diagnosed na may cervical spondylosis, isang sakit sa buto at cartilage sa leeg.
- Latest