Comelec handa na sa filing ng COC
MANILA, Philippines – Handang-handa na ang Commission on Elections (Comelec) sa idaraos na filing ng certificate of candidacy (COC) na magsisimula sa Oktubre 12 at magtatapos sa Oktubre 16.
Sa Comelec main office sa Palacio Del Gobernador sa Intramuros, Maynila maghahain ng kandidatura ang mga tatakbo sa pagka-pangulo, pangalawang pangulo, senador at partylist group.
Nilinaw naman ni Bautista na papayagan lamang ang kandidato na magsama ng hanggang tatlong kaibigan, kaanak o endorser sa paghahain ng COC.
Ang mga tagasuporta ng mga kandidato ay mananatili lamang sa labas ng Comelec, pero may wide screen na ikakabit sa labas ng Comelec para masaksihan din ng mga tagasuporta ang paghahain ng kandidatura ng mga pulitiko.
Para sa media, kailangang kumuha ng akreditasyon at identification card mula sa Comelec dahil hindi umano maaring papasukin ang hindi lehitimo o ‘hao-siao’ na reporter.
- Latest