^

Bansa

Dagdag na runway giit ni Win

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nananawagan si Nationalist People’s Coalition (NPC) Congressman Win Gatchalian sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na, sa halip na magpagawa ng bagong passer terminal sa masikip nang Ninoy Aquino International Airport, paghusayin muna ang aviation infrastructure tulad ng dagdag na mga runway.

Ginawa ni Gatchalian ang panawagan bilang reaksyon sa mga media report na pinag-aaralan ng pamahalaan ang pagpapagawa ng bagong terminal para mapagkasya ang 50 milyong pasahero bawat taon.

Idinisenyo lang ang apat na passenger terminal ng NAIA na magkaroon ng kapasidad na 31 milyong pasahero taun-taon.

Sinabi ni Civil Aviation Authority of the Philippines deputy director general Rodante Joya na malapit na sa saturation point ang NAIA dahil ang kasalukuyang passenger load ay 33 milyong pasahero lang taun-taon.

Ayon kay Gatchalian, hindi makakapagbigay ng permanenteng solusyon sa air traffic congestion ang pagpapagawa ng marami pang terminal.

Inihalimbawa ng kongresista mula sa Valenzuela City ang madalas na mapaulat na naaantalang 150-120 biyahe kada araw na nag-aaksaya ng P7 bilyong halaga ng langis taon-taon.

ANG

AYON

CIVIL AVIATION AUTHORITY OF THE PHILIPPINES

CONGRESSMAN WIN GATCHALIAN

GATCHALIAN

GINAWA

IDINISENYO

NATIONALIST PEOPLE

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

RODANTE JOYA

VALENZUELA CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with