^

Bansa

Paliwanag ng government agencies hinihingi P1 bilyon badyet lang sa mga party at outing

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa umanoy ginagamit lang sa mga party o outing ang mahigit isang bilyong pisong annual budget kaya pinagpapaliwanag ni Kabataan partylist Rep. Terry Ridon ang lahat ng ahensiya ng gobyerno sa “extraordinary and miscellaneous expenses”.

Ginawa ni Ridon ang hakbang sa gitna ng kontrobersiya sa oath taking ng Liberal Party (LP) at kaarawan ni Laguna Rep. Benjie Agarao noong Huwebes dahil sa “malaswang performance” ng Playgirls na special gift umano ni MMDA Chairman Francis Tolentino.

Ayon kay Ridon, ang taunang 1-billion pesos na pondo ay ginugugol umano ng mga opisyal ng pamahalaan na pang-party, pang-outing at pondo para sa ibang pang “extra ordinary activities.”

Idinagdag pa ng kongresista na base sa data mula sa Department of Budget and Management (DBM), naglaan umano ang gobyerno ng kabuuang 3.1 billion pesos para sa extraordinary and miscellaneous expenses para sa mga taong 2014, 2015 at 2016.

Base pa umano sa DBM, ang Mataas at Mababang Kapulungan ang nakatanggap ng pinakamataas na alokasyon para sa extraordinary and miscellaneous expenses kada taon; at pangalawa ang Hudikatura.

Habang ang Office of the President naman ay may average na 16.4 million pesos na extraordinary and miscellaneous expenses bawat taon, samantalang ang DILG ay may annual 7.6 million pesos na pondo para sa katulad na purpose.

Bagaman nasa ilalim ng General Appropriations Bill, sinabi ni Ridon na ang pondo ay “prone” o bukas sa pang-aabuso, lalo pa at hindi suportado ng regular budget allocation.

Iginiit pa  ni Ridon na lehitimo naman ang budget para sa extraordinary and miscellaneous expenses subalit ang ma­laking tanong ay kung papaano at magkano ang inilalaan para sa mga official entertainment, public relations at iba pa.

ACIRC

ANG

BENJIE AGARAO

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

GENERAL APPROPRIATIONS BILL

LAGUNA REP

LIBERAL PARTY

MABABANG KAPULUNGAN

OFFICE OF THE PRESIDENT

RIDON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with