Kasong falsification of documents vs mag-asawang inaresto dinidinig pa rin sa korte
MANILA, Philippines – Patuloy ang pagdinig ng Tarlac City Regional Trial Court laban sa mag- asawang teacher na kinasuhan sa law office ng Tarlac Public School Teacher Association na may tanggapan sa Cubao, Quezon City.
Batay sa record ng korte , ang mag-asawang guro na sina Dennis David at Rosenada David ay kinasuhan noong February 05,2015 sa korte ng estafa at palsipikasyon ng public document dahil sa pagpalsipika ng mga dokumento, partikular ang ATM card kaya nakautang ng pera ang sangay ng Public School Teacher Association sa Tarlac City.
Nang sinampahan ng kaso ang mag-asawa noong February 05, 2015 sa Tarlac City Regional Trial Court ay hindi umano sila inaresto ng mga otoridad sa hindi malamang dahilan. Sinasabing Sept. 18 ay inaresto ang dalawa ng mga tauhan ni P/Supt. David De Leon Allauigan ng Regional Intelligence Philippine National Police-Regional Police Office 111 (PNP–RO111) sa pamamagitan ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Eleanor V. De Jesus ng Branch 11, Third Judicial Region, Tarlac City. Bunga umano sa pagbalewala nina Mr. & Mrs Dennis David ng aplikasyon sa utang sa TPSTAI pati ang pagdalo sa pagdinig sa korte kaya sila inaresto habang nagtuturo sa San Vicente Elementary School at sa Villa Aglipay Elementary School sa Tarlac City. Lumitaw sa record na si Dennis ay pekeng guro, ayon na rin sa Department of Education at samahan ng Public School Teacher sa Tarlac City.
- Latest