^

Bansa

National candidates, i-require ng Comelec na sumali sa regional debates - Gordon

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan si da­ting Senador Richard “Dick” Gordon sa Commission on Elections (Comelec) na i-require ang lahat ng national candidates na makiisa sa gaganaping mga debate sa lahat ng rehiyon sa bansa bago mag-eleksyon, upang mapataas ang antas ng voter information na maibigay sa lahat ng botante.

Sinabi ni Gordon na magagamit ng Comelec ang UP school system at iba pang state colleges and universities para siyang mag-host sa naturang event. Maaari ring hilingin ng Comelec sa mga law schools at iba pang academic sectors, judiciary, at socio-civic organizations na tumulong sa pagsasaayos at pangangasiwa ng mga debate upang magawang masagot ng mga kandidato ang mga tanong at isyu ng mamamayan at ng kanilang katunggali.

Tiyak na ico-cover ng media ang naturang event, kung saan maaa­ring bayaran ang airtime para sa nationwide cove­rage ng gobyerno, ng kandidato o kanilang political parties, o ng civic-minded individuals at korporasyon na nagnanais na mapalawak ang political maturity ng mga Pilipino. Ayon kay Gordon, lalabas sa gaganaping mga debate ang background, kapasidad, pananaw at action plan ng kandidato sa mga national at locals issues.

“Naniniwala ako na ang mga debate na ito ay magsisilbing tunay na litmus test sa kapasidad ng mga kandidato upang magawang makapili ang botante sa mas impormadong paraan sa halip na maimpluwensiyahan ng kalidad at dami ng political propaganda ng kandidato,” sabi ni Gordon.

Kumpiyansa si Gordon na magagawa ngayong darating na eleksyon ang kanyang panukala kahit paunti-unti o malawakan na, depende sa political will at resources ng Come­lec para gawin ito.

Iginiit din ni Gordon sa Comelec na i-require sa lahat ng kandidato na mag-post nang regular sa panahon ng kampanya ang laki at halaga ng kanilang political advertisements sa panahon ng kampanya.

Ang panukala ni Gordon ay base na rin sa panawagan ng mga concerned Filipinos at mainit na pagtanggap nito sa social media.

ACIRC

ANG

AYON

COMELEC

GORDON

IGINIIT

KANDIDATO

KUMPIYANSA

MGA

NBSP

SENADOR RICHARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with