^

Bansa

Phil. Red Cross umayuda sa mga Lumad sa Surigao

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinutugunan din ng Philippine Red Cross ang mga panga­ngailangan ng mga pamilya ng katutubong Lumad na apektado ng armadong hidwaan sa Liangga, Surigao Del Sur. Ayon sa PRC, nakapaglaan na sila ng 5,000 litro ng water bladder, 10,000 litro ng water collection point at tatlong drum para magsuplay ng tubig sa Oval Sports Complex sa Tandag City at Sitio Hall sa Sitio Janipaan sa Surigao del Sur kung saan nanunuluyan ang mahigit 600 pamilya na apektado ng madugong hidwaan.Nagpamahagi na rin sila ng mga sleeping kits, hygiene kits at  kitchen utensils para may magamit ang mga ito. Bukod pa rito, naglagay din ng mga first aid station ang PRC at mga ambulansiya para sa pagbibiyahe ng mga pasyenteng kailangang madala sa ospital. May inilaan ding psychosocial support ang PRC sa pamamagitan ng mga itinayo nitong welfare desks na nakapag-abot na ng psychosocial support sa may mahigit isang libong indibidwal kabilang na ang 147 mga bata. Nabatid na nasa mahigit isang buwan nang nananatili sa mga evacuation center ang libu-libong mga Lumad makaraang salakayin ng isang armadong grupo na pinaniniwalaang paramilitary group ang kanilang komunidad  noong nakalipas na Setyembre 1, na na­ging dahilan sa pagkamatay ng 3 lider ng Lumad.

ACIRC

ANG

AYON

LUMAD

MGA

OVAL SPORTS COMPLEX

PHILIPPINE RED CROSS

SITIO HALL

SITIO JANIPAAN

SURIGAO DEL SUR

TANDAG CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with