^

Bansa

Congresswoman, local execs, sinuspinde ng Sandiganbayan

Angie dela Cruz at Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinuspinde ng Sandiganbayan si Zamboanga del Sur Representative Aurora Enerio-Cerilles gayundin ang iba pang lokal na opisyal dahil sa kasong graft.

Kasama sa mga sinuspinde ng Sandiganbayan sina Mayor Monico Puentevella ng Bacolod City, Mayor Pepito Reyes ng Perez, Quezon at Vice-Mayor Dante Garcia ng  Tubao, La Union.

Sinasabing si Cerilles  ay kinasuhan sa Sandiganbayan dahil sa maanomalyang pagbili ng umanoy overpriced medical supplies noong 2001 na may halagang P7 milyon.

Ang kaso naman ni Puentevella ay may kinalaman sa maano­malyang paggamit ng kanyang  Priority Development Assistance Fund na may halagang P26 milyon para ipambili ng overpriced computer packages para sa mga  public schools sa Bacolod City. ANg  computer package ay nabili ng  P400,000.00 halaga bawat isa.

Si Reyes naman ay nagkakaso nang payagan ang kanyang kapatid na mag- operate ng sabungan habang si Garcia ay nagkakaso ng magkaroon umano ng anomalya sa pagbili ng mga umano’y overpriced fogging chemicals at chlorine nang walang ginawang public bidding. 

 Siyamnapung araw ang suspension ni Puentevella, Reyes, at Garcia  habang si Cerilles ay 60 araw na suspendido sa posisyon.

 Bukod dito,inutos din ng Sandiganbayan na masuspinde ng 90 araw sa posisyon si Court Interpreter II Candelaria Mangulabnan ng Municipal Trial Court in Cities, San Fernando, Pampanga na nahaharap sa kasong Direct Bribery.

BACOLOD CITY

CANDELARIA MANGULABNAN

CERILLES

COURT INTERPRETER

DIRECT BRIBERY

GARCIA

LA UNION

MAYOR MONICO PUENTEVELLA

MAYOR PEPITO REYES

NBSP

SANDIGANBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with