12 bagong huwes, iniupo ni PNoy
MANILA, Philippines - Labindalawang mga bagong huwes ang itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III para sa mga korte sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, Pampanga, Bataan, Cagayan, Apayao, Bulacan, Mindoro, Quezon Province at Romblon.
Ito ang nilalaman sa dalawang magkahiwalay na transmittal letters na ipinadala ng Malakanyang kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Aranal-Sereno.
“I am pleased to transmit herewith the appointment letters of the following signed by His Excellency, President Benigno S. Aquino III,” batay sa transmittal na may lagda ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr..
KInabibilangan ito nina Judge Greta Mae Balcanao ng 6th Municipal Circuit Trial Court (MCTC) ng Kabugao-Conner, Apayao; Judge Amy Alafag-Verzola ng 4th MCTC, Luna-Pudtol-Calanasan, Apayao; Judge Catherine Bangi-Allas ng MTC Branch 1 ng Lai-lo, Cagayan; Judge Meliton Galia ng 8th Angadanan-San Guillermo, Isabela; Judge Linda Gumabol ng MTC, Kayapa, Nueva Vizcaya.
Sa Central Luzon, itinalaga naman sina Judge Percyveranda Alcesto Dela Cruz sa MTC ng Arayat, Pampanga at Judge Vanessa Fernandez Bernardo-Agawin ng MTC Marilao, Bulacan. Judge Donna Lee Dunuan-Gobway ay iniupo naman sa 3rd MCTC, Looc-Alcantara-Sta Fe-San Jose, Romblon kasama ni Judge Emery Joy Ma ng 2nd MCTC, Bansud - Gloria, Mindoro Oriental at si Judge Grandis Rem Tobias Manalabe ng 10th MCTC, San Francisco-San Andres, Quezon.
Para sa Regional Trial Courts,ang mga bagong talaga ay sina Judge Edralin Reyes ng Branch 43 Mindoro Oriental habang si Judge Edilwasif Tapsiril Baddiri ay sa Branch 96 ng Quezon Province.
Bago sila naitalaga ni PNoy, dumaan sila sa pagsala ng Judicial and Bar Council (JBC) na binubuo ng chair na si CJ Sereno, at ex-officio members, na sina Senator Aquilino Pimentel III at Iloilo Rep. Niel Tupas at .Justice Secretary Leila de Lima.
Si Retired SC Justice Angelina Sandoval-Gutierrez naman ang pinuno ng Executive Committee at kumakatawan sa Retired SC Justice Sector; sina Atty. Jose Mejia na kumakatawan sa Academe, retired Court of Appeals Justice Aurora Santiago-Lagman na kumakatawan sa private sector, at si Atty. Milagros Fernan-Cayosa mula sa Integrated Bar of the Philippines (IBP).
- Latest