^

Bansa

Wipe-out lahat ng VP ‘Alan Peter the best’- Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naniniwala si Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte na “wipe out” na lahat ang sinumang makakalaban ni Sen. Alan Peter Cayetano sa pagka-bise presidente sa eleksyon sa susunod na taon.

Ayon kay Duterte, si Ca­yetano ang pinaka-kuwalipikado sa posisyon sa hanay ng mga napapaulat na tatakbong bise presidente.

Ginawa ni Duterte ang pahayag matapos makipag-meeting kay Cayetano noong Martes kung kailan nagdeklara si Cayetano na tatakbong bise presidente sa mismong balwarte ng mayor.

Nang tanungin kung papaano ikukumpara si Cayetano sa iba pang VP contenders katulad nina Senators Bongbong Marcos, Antonio Trillanes IV, Chiz Escudero at Camarines Sur Rep. Leni Robredo, sinabi ni Duterte na: “Yun lang? Wala na. Tapos na. Wipe out ‘yan sila lahat.”

Sinabi rin ni Duterte na inaasahan na niyang sa Davao City magdedeklara ng kanyang kandidatura si Cayetano.
Napag-usapan din umano ng dalawa ang posibleng tambalan sa eleksiyon sa susunod na taon bagaman at hindi pa siya nakakapag-desisyon.

Pero nagpahayag na si Duterte ng kanyang suporta kay Cayetano na may praktikal na umanong  solusyon sa mga problema ng bansa katulad ng kahirapan, mahinang mga imprastruktura at pagpapalakas ng ekonomiya.
Inihayag naman ni Cayetano na napili niyang sa Davao City magdeklara upang iparating ang mensahe na hindi dapat palaging sa NCR nakatuon ang atensiyon ng gobyerno kung hindi sa mga rehiyon din sa labas ng Metro Manila.

Bagaman at ilang beses ng inihayag ni Duterte na hindi siya tatakbong presidente,  may mga nagsasabing posibleng matuloy ang tambalan ng dalawa.

Sinabi naman ni Cayetano na ipagpapatuloy niya ang layunin na magkaroon ng totoong pagbabago upang maia­ngat ang bansa.

ACIRC

ALAN PETER CAYETANO

ANG

ANTONIO TRILLANES

CAMARINES SUR REP

CAYETANO

CHIZ ESCUDERO

DAVAO CITY

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO

DUTERTE

LENI ROBREDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with