^

Bansa

Passengers Bill of Rights aprub sa House

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Aprubado na ng House Committee on Transportation ang panukalang batas na mareremedyuhan ang pag-abuso ng airline companies sa mga pasahero na nakakaranas ng delay o kanselasyon ng biyahe.

Sa ilalim ng Passengers Bill of Rights na inihain ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, pinapayagan ang reimbursement ng 75 porsiyento ng pasahe kung  magkakansela ang pasahero sa loob ng 24 na oras bago umalis ang eroplano.

Dapat din magbigay ng refreshment ang airlines sa mga pasahero para sa 2 oras na pagkaantala ng flight kabilang ang libreng tawag o internet gayundin ng hotel accomodation para sa cancelled flights.

Nakasaad rin dito ang 20 percent discount para sa senior citizens, Persons With Disability (PWDs) at mga estudyante.

Nanawagan naman si Colmenares sa liderato ng Kamara na ihabol ang pag-apruba sa panukala bago mag-November 1 kung kailan mag-uumpisang dumagsa ang mga pasahero para sa holiday seasons.

ANG

APRUBADO

BAYAN MUNA REP

COLMENARES

DAPAT

HOUSE COMMITTEE

KAMARA

NAKASAAD

NERI COLMENARES

PASSENGERS BILL OF RIGHTS

PERSONS WITH DISABILITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with