^

Bansa

P2.5-B DPWH project pinasisilip kay Singson

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinaiimbestigahan ng mga mambabatas mula sa  House of Representatives kay DPWH Sec. Roge­lio  Singson ang P2.5 billion road project sa Mindanao dahil sa mga ale­­gasyon ng umano’y anomalya.

Hiniling din ng mga lawmakers kay Singson na gisahin niyang mabuti ang proyekto kung maaari lalu  pa’t may mga reklamo na i-award ito sa undeserving na kontraktor na nagsumite umano ng mas mataas na presyo sa budget na inaprub ng gobyerno para sa nasabing project.

Sa datos na ibinigay sa mga mambabatas at Office of the Ombudsman, napag-ala­man ng mga lawma­kers na ang proyekto ay may ceiling cost na P2.5 billion pero inaward ito ng DPWH sa isang consortium na nagbigay umano ng mas mahal na presyo na P3 billion o 20 percent kumpara sa aprubadong halaga.

Habang ipinagpipilitan ng mga anti-corruption watchdogs na may kinalaman ang  mga DPWH official sa nasabing anomalya,  agad namang sinabi ni Quezon City Rep. Winston ‘Winnie’ Castelo, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, na malabong sangkot si Singson sa sinasabing korapsiyon.

Nauna nang sinabi ng mga anti-corrup­tion on watchdogs na sangkot ang mga DPWH officials sa pagdiskwalipika ng mga kwalipikadong international bidders para sa proyekto na nagsumite ng mas mababang cost bago pa man nagsimula ang bidding process dahil umano sa minor technicalities.

”Such, is very suspicious because of premature disqualification of all other companies  with international track records, but more so because no bidder will submit a higher price than what the government can afford -- especially if there are other bidders,” ani Castelo.

Binitawan ni Castelo ang kanyang mga pahayag sa deliberation ng proposed P401.14 billion DPWH budget for 2016 kamakailan kung saan binigyan niyang pansin ang sinasabing pandaraya sa bidding ng five-year contract project para ayusin at imintina ang 123.5-kilometer Surigao-Davao-Surigao (Lipata)-Agusan Del Norte road na pinondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

ACIRC

AGUSAN DEL NORTE

ANG

CASTELO

HOUSE COMMITTEE

HOUSE OF REPRESENTATIVES

JAPAN INTERNATIONAL COOPERATION AGENCY

METRO MANILA DEVELOPMENT

MGA

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

SINGSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with