Tagle sa mga botante: Mag-ingat sa pangako ng mga kakandidato…
MANILA, Philippines – Pinag-iingat ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga botante sa mga pangako ng mga kakandidato ngayong nalalapit na ang 2016 national election.
Ayon kay Tagle, mas mabuting tiyakin ng mga botante na ang Diyos ang nangunguna at gabay ng mga kakandidato at magiging lider ng bansa.
Tinitiyak ni Tagle na walang patutunguhan kapag hindi si Hesus at hindi makadiyos ang bawat kandidato o mga magiging pinuno.
Inihayag ng Kardinal na maraming mangangako na sila ang magdadala ng katiwasayan, kayamanan, kapayapaan at katarungan kapag sila na ang naupo sa puwesto.
Sa kasalukuyan, abala ang mga Presidential aspirant, vice-presidentiables at Senatoriables sa pag-iikot at pangangalap ng suporta sa iba’t-ibang bahagi ng bansa kahit sa ika-12 hanggang ika-16 ng Oktubre pa itinakda ng Commission on Elections. (Doris Franche-Borja)
- Latest