^

Bansa

Ayala bridge, 2 buwan sarado

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Posibleng  dalawang buwan ang itagal sa pagsasara ng  Ayala Bridge.

Ito ang  nabatid kahapon kina   MMDA chairman Francis Tolentino at Engr. Ricardo de Vera ng DPWH matapos na personal na inspeksiyunin ang  nasabing tulay na isinara nang walang abiso.

Inamin ng dalawa  na  maging sila ay nagulat sa pagsa­sara ng tulay kaya’t minabuti nilang kausapin ang  French consultants ng private contractor na Frey-Fil at EEI Joint Venture.

Ayon kay Tolentino  posibleng Disyembre pa  matatapos ang  rehabilitasyon ng tulay. Humingi naman aniya ng paumanhin ang panig ng kontratista.

Subalit ayon kay Tolentino, kailangang mabuksan ang tulay bago ang APEC sa Nobyembre at kung may mga kailangan pang kumpunihin sa ilalim ng tulay, kailangang itigil ito habang may APEC summit dahil sa usaping pangseguridad.

Sa Huwebes,  kailangan buksan kahit isang lane lang ng tulay. Pipilitin naman umano ito ng  contractor ng proyekto.

Itinanggi naman ni  Ana Encarnacion, tagapagsalita ng Frey-Fil at EEI Joint Venture. ang balitang may gumuho o nasirang bahagi sa gitna ng tulay kaya nila ito isinara.

Kailangan daw munang isara ang tulay para sa post-tensioning at paglalagay ng damper.

Naglabas naman ang MMDA ng alternatibong ruta sa mga southbound kung  saan  maaaring dumaan sa Nagtahan bridge o McArthur bridge, habang ang mga northbound ay puwedeng dumaan  sa Quezon bridge  at Jones bridge.

ACIRC

ANA ENCARNACION

ANG

AYALA BRIDGE

FRANCIS TOLENTINO

FREY-FIL

JOINT VENTURE

NBSP

SA HUWEBES

TOLENTINO

TULAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with