Sen. Marcos magdedeklara sa tamang panahon
MANILA, Philippines – Ipinahiwatig kahapon ni Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ihahayag niya ang plano sa eleksiyon tamang panahon.
Dumalo kahapon si Marcos sa pagtitipon ng National Unity Party kung saan dumalo rin si Vice President Jejomar Binay at ibang pulitiko.
Sa isang panayam, sinabi ni Marcos malapit na siyang magbigay ng anunsiyo pero ayaw niyang pangunahan ang diskusyon ng iba’t- ibang grupo.
“Malapit na (announcement), it will be out very, very soon. But I don’t want to preempt ang diskusyon sa iba’t ibang grupo at lalo na sa aking sariling partido, ang Nacionalista Party,” ani Marcos.
Nagsasagawa pa aniya ng mga “finishing touches” para sa plano sa eleksiyon sa susunod na taon.
“So, we are still putting the finishing touches on our planned involvement in the 2016,” ani Marcos.
Nang tanungin kung presidente o bise presidente ang tatakbuhan, muli nitong iniulit na ihahayag niya ito sa tamang panahon.
“No preference, one way the other for now. Sabihin na lang natin we are studying both options,” ani Marcos.
- Latest