Pribilehiyo sa hospital arrest, naaabuso
MANILA, Philippines – Dahilan sa naabuso ang pribilehiyo sa pagsasailalim sa hospital arrest kaya umapela sa Korte Suprema ang isang lider ng Kamara na muling bisitahin ang rules of procedures kaugnay dito.
Ayon kay Isabela Rep. Giorgidi Aggabao, tila naabuso na ang nasabing prebilehiyo lalo na ng mga makapangyarihan at mayayamang detainees kabilang na ang mga pulitiko na nahaharap sa non bailable offenses.
Ang panawagan ni Aggabao ay sa harap na rin ng balitang balak ng magkapatid na dating Palawan Governor Joel Reyes at dating Coron Mayor Mario Reyes sa kasong pagpatay sa radio broadcaster at environmentalist na si Doc Gerry Ortega.
Giit ng mambabatas, mistulang nakaugalian na ng maiimpluwensiyang akusado na gamitin ang hospital arrest para makaiwas sa regular na kulungan.
Dahil dito kaya dapat na umanong mapag-aralang muli ang mga patakaran dito para mapayagan lamang na sumailalim sa hospital arrest ay iyong matitindi ang kondisyong pangkalusugan.
Matatandaan sa mga kilalang tao na sumailalim sa hospital arrest ay sina dating pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada, dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep.Gloria Macapagal-Arroyo, Senate Minority leader Juan Ponce Enrile at Senador Jinggoy Estrada.
- Latest