^

Bansa

Bagyong Jenny tumitindi ang lakas habang patungo sa Luzon

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tumindi pa ang lakas ng bagyong Jenny habang patuloy na binabagtas ang karagatan sa hilagang sila­ngan ng Luzon, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA) kahapon.

Sa alas-11 ng umagang advisory ng kagawaran, si Jenny ay magdadala ng katamtaman hanggang sa matinding pag-ulan sa loob ng 600 kilometrong diametro nito.

Base sa ulat, ang sentro ng bagyo ay namataan sa layong 590 kilometro sa sila­ngan hilagang silangan ng Itbayat, Batanes. Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 175 km bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong hangin na aabot sa 210 km bawat oras.

Nasa signal number 1 naman ang Batanes Group of Islands.

Gumagalaw ang bagyo patungong sila­ngan hilagang silangan sa bilis na 15 kilomentro bawat oras. Inaasahan na sa Miyerkules ng umaga ay makakalabas na ng Philippine area of responsibility ang bagyong Jenny.

Wala nang inaasahan na landfall ngunit sa ngayon magkakaroon ng mga kalat-kalat na pag-ulan sa Luzon at Visayas dahil sa haba­gat na pinag-iibayo ng bagyo.

ACIRC

ANG

BATANES

BATANES GROUP OF ISLANDS

GUMAGALAW

INAASAHAN

ITBAYAT

LUZON

MIYERKULES

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICE ADMINISTRATION

TAGLAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with