^

Bansa

WI-FI project ng DOST busisiin

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nais ni Senator Miriam Defensor-Santiago na im­bestigahan muna ng Senado kung ano na ang nangyari sa libreng WI-FI project ng Department of Science and Technology (DOST) na ipinangakong matatapos sa Disyembre bago ibigay ang hinihinging karagdagang pondo ng ahensiya.

Ang nationwide free Wi-Fi project  ay nagkakahalaga ng P3 bilyon. Nakaprograma ngayong taon ang inisyal na pondong P1.4 bilyon pero humihingi muli ang DOST ng karagdagang P1.6 bilyon na nakapaloob sa kanilang panukalang  P17.8-bilyong pondo para sa 2016.

Nakatakdang humarap sa Senado ang mga opisyal ng  DOST para sa pagdinig ng pambansang budget ng ahensiya sa Okubre 6.

Balak ni Santiago, awtor ng “Magna Carta for Internet Freedom” na maghain ng isang resolusyon sa Lunes upang hilingin sa mga kasamahang senador na imbestigahan ang Information and Communications Technology Office (ICTO) ng DOST na ayon sa Commission on Audit ay nag underspent ng nasa P827.6 milyon noong 2014.

Kinuwestiyon ni Santiago ang kakayahan ng ahensiya na magpatupad ng P3 bilyong halaga ng proyekto ngayong taon matapos mabigong ipatupad ang ilang proyekto na wala pang P1 bilyon ang halaga noong 2014.

Sinabi ni Santiago na tiyak na magugustuhan ng mga Filipino na mahilig mag internet ang libreng WI-FI pero hindi aniya tiyak kung kaya ng DOST na tuparin ang kanilang pangako.

ACIRC

ANG

BALAK

DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

DISYEMBRE

INFORMATION AND COMMUNICATIONS TECHNOLOGY OFFICE

INTERNET FREEDOM

MAGNA CARTA

NBSP

SENADO

SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with