^

Bansa

DOLE sa OFWs: Regulasyon vs MERS-CoV, sundin

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling pinaalalahanan ni Labor and Employment Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz ang mga overseas Filipino worker (OFW), partikular ang mga nasa Middle East, na patuloy na sundin ang mga pamamaraan upang labanan ang pagkalat ng Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus (MERS - CoV) dahil sa mga ulat na may mga kaso pa rin ng MERS-CoV sa iba’t ibang parte ng Saudi Arabia.

Ang paalala ni  Baldoz ay bunsod na rin ng bagong kaso ng MERS-CoV  sa Saudi Arabia at karamihan sa mga kasong ito ay nasa Riyadh ayon sa Ministry of Health ng KSA.

Ayon kay Baldoz, nag­labas sila ng  advisory  na nagsasaad ng mga pamamaraan upang protekta­han ang mga OFW laban sa MERS-CoV. Kabilang  na  ang  paghuhugas ng kamay gamit ang sabon o gumamit ng alcohol bago at matapos kumain; bago at matapos humawak, magluto at ihanda ang pagkain; matapos umubo, bumahing at gumamit ng banyo; at bago at matapos humawak ng hayop.

Sa mga pauwing OFW na manggagaling mula sa mga bansang apektado ng MERS-CoV, kaila­ngan nilang bantayan ang kanilang kalusugan sa loob ng 14 na araw.  Kung sila ay nagkaroon ng sintomas (lagnat, sakit ng ulo, panghihina ng katawan, ubo, hirap huminga, hindi maipaliwanag na pasa o pagdurugo, grabeng pagtatae) kinakailangang takpan nila ang kanilang bibig at ilong ng tela, panyo, o surgical mask upang maiwasan ang pagkalat ng impeksiyon.

Hinihiling din ng POEA sa mga licensed recruitment agency na magbigay ng special briefing sa mga health worker na kanilang ipinadadala sa Middle East upang makaiwas ang mga ito sa sakit na MERS-CoV at bantayan ang kanilang lagay mula sa kani-kanilang lugar na pinagtatrabahuhan.

ACIRC

ANG

AYON

BALDOZ

LABOR AND EMPLOYMENT SECRETARY ROSALINDA DIMAPILIS-BALDOZ

MGA

MIDDLE EAST

MIDDLE EAST RESPIRATORY SYNDROME CORONA VIRUS

MINISTRY OF HEALTH

NBSP

SAUDI ARABIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with