15 dayuhan huli sa aktong nagdo-droga
MANILA, Philippines – Labing-limang dayuhan ang nadakip nang maaktuhang gumagamit ng droga matapos salakayin nang pinagsanib pwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Pasay City Police ang isang KTVbar sa naturang lungsod kahapon ng madaling araw.
Ang mga suspek ay pawang mga Singaporean at Hong Kong nationals. Base sa report na natanggap ng Pasay City Police, ala-1:00 kahapon ng madaling araw nang salakayin nang pinagsanib na pwersa ng NBI at Anti-Illegal Drugs ng Pasay City Police ang 66KTV Bar, na matatagpuan sa AVIA International Club, Manlunas St., New Port ng naturang lungsod.
Ito’y matapos na makatanggap ng intelligence report ang mga awtoridad hinggil sa illegal na gawain ng mga ito, kung kaya’t kaagad silang nagsagawa ng surveillance operation kasunod ang pagsalakay.
Ayon sa report, naaktuhan ng mga mga awtoridad ang mga mga suspek na nag-pa-pot session sa loob ng VIP room, na pawang mga babae at lalaki kasama ang ilang mga Guest Relation Officer (GRO) ng KTV bar. Kung saan gumagamit ang mga ito ng ang party drugs at cocaine, dahilan upang kaagad dakpin ang mga suspek at dinala ang mga ito sa NBI.
Sumasailalim ngayon sa masusing imbestigasyon ang nadakip na mga suspek at sasampahan ang mga ito ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o dangerous drugs act.
- Latest