Gusot sa INC ‘di tatalakayin sa event
MANILA, Philippines - Hindi tatalakayin sa libu-libong miyembro ng Iglesia ni Cristo na dadalo sa Dakilang Araw ng Pamamahayag sa September 26, sa Philippine Arena ang kontrobersiya sa INC.
Ayon kay INC spokesperson Bro. Edwil Zabala, wala ring pag-uusapan na kahit anong tungkol sa pulitika. Tanging pananampalataya aniya at aral ng bibliya ang ilalahad sa mga INC members.
Ito aniya ang unang pagkakataon na mismong si INC Executive Minister Eduardo Manalo ang mamumuno sa Dakilang araw ng pamamahayag.
Sa ngayon sinabi ni Zabala na mahirap magbigay ng numero ng mga dadalong INC members pero tiyak na aniyang mapupuno ang Philippine Arena, na ang capacity ay nasa 55,000 katao.
Una nang sinabi ng nagpahayag ng kumpiyansa ang mga INC members na makapagtatala sila ng world record para sa nasabing pagtitipon na maituturing na pinakamalaking evangelical mission sa kasaysayan ng INC.
Magaganap ang pagtitipon alas 7:00 ng gabi bukas, araw ng Sabado.
- Latest