Poe, Chiz dapat maghanap ng sariling plataporma
MANILA, Philippines – Mistulang pinatamaan kahapon ni Senate President Franklin Drilon ang tambalan nina Senators Grace Poe at Chiz Escudero na walang sariling plataporma dahil ang “Daang Matuwid” ay orihinal na plataporma ng administrasyong Aquino.
Bagaman at hindi tahasang pinangalanan sina Poe at Escudero, sinabi ni Drilon na ang mga katunggali nila ay dapat maghanap ng plataporma.
“Ang mga katunggali ay dapat po maghanap ng ibang plataporma, at ito na po ang plataporma ng Pangulong Noynoy,” ani Drilon.
Nilinaw ni Drilon na ibinase lamang niya ang kanyang pahayag sa sinabi ni Poe na walang monopolya ang Daang Matuwid.
“I am just basing that statement on the statement of Senator Poe that “There is no monopoly on Daang Matuwid.” What I can say is that this administration has really based its governance on the basis of “Daang Matuwid” and that principle has been tested and applied by this administration consistently,” ani Drilon.
- Latest