^

Bansa

Kidnappers ng 3 banyaga, 1 Pinay tugis ng libong sundalo, pulis

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Libu-libong mga pulis at sundalo ang tumutugis ngayon sa mga kidnaper ng tatlong banyaga at isang Pinay na binihag sa isang resort sa Island Garden City of Samal, Davao del Norte noong Lunes.

Bumuo na rin ng Special Investigation Task Group (SITG) Oceanview ang mga awtoridad kung saan isinailalim sa red alert status ang buong puwersa ng tropa ng militar at pulisya sa mga lugar na posibleng tinatahak ng mga kidnaper.

Sinabi ni AFP spokesman Col. Noel Detoyato, pinakilos na ni AFP Chief Gen. Hernando Iriberri ang naval at air assets para tumulong sa ground forces ng militar, pulisya at Philippine Coast Guard (PCG) sa paghahanap sa mga bihag.

Ang mga biktimang sina Kjartan Sekkingstad, Norwegian at national manager ng Holiday Oceanview Resort; mga Canadian na sina John Ridsdel at Robert Hall, dating executive sa isang mining firm at ang Pinay na si Maritess Flora ay dinukot ng mga armadong lalaki, 11 sa mga ito ay nakunan pa sa CCTV footages habang kinakaladkad ang apat matapos salakayin ang nasabing resort noong Lunes ng gabi.

Hindi naman isina­santabi ng mga awtoridad na mga bandidong Abu Sayyaf ang nasa likod ng pagdukot.

Nangangamba ang security forces na maipasa ng mga kidnaper sa Sayyaf sa Sulu o Basilan ang mga bihag.

Pinalawak na ng AFP-Eastern at Wes­tern Min­danao Command gayundin ng pulisya ang pagha­hanap sa mga kidnaper sa mga lugar ng Davao Region, Sarangani, Zamboanga hanggang BASULTA (Basilan, Sulu at Tawi-Tawi) upang hara­ngin ang mga naglalayag na sasakyang pandagat na pinagsakyan sa mga bihag.

ABU SAYYAF

ACIRC

ANG

BASILAN

CHIEF GEN

DAVAO REGION

HERNANDO IRIBERRI

HOLIDAY OCEANVIEW RESORT

ISLAND GARDEN CITY OF SAMAL

JOHN RIDSDEL

MGA

SAMAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with