90 suspek sa pagkamatay ng 35 SAF isinampa na
MANILA, Philippines – Pormal nang kinasuhan ng direct assault with murder ang 90 indibidwal kaugnay sa pagkamatay ng 35 miyembro ng 55th PNP-Special Action Force (SAF) sa Bgy. Tukalinapao, Mamasapano sa Maguindanao noong Enero 25.
Bukod sa 26 na MILF commanders, dawit din sa kaso ang 12 miyembro ng BIFF at 52 indibidwal mula sa private armed groups.
Nais din ng joint team ng National Bureau of Investigation-National Prosecution Service-Special Investigation Team (NBI- NPS-SIT) na panagutin sa kasong pagnanakaw (theft) ng mga ari-arian ng pamahalaan ang mga suspek matapos nilang tangayin ang mga baril, mga bala, navigational equipments, protective gear, uniforms, combat boots at mga personal na gamit ng mga miyembro ng SAF gaya ng relo, wallet at mga cellphone.
Ayon pa sa complaint, dahil nagsabwatan ang mga suspek sa pagpatay sa 35 biktima, ang bawat isa sa kanila ay kinakasuhan ng 35 bilang ng complex crime of direct assault with murder.
“The team notes that some of the SAF commandos were killed by respondents by means of close range pistol shots to the head and body when the victims were already injured or dying and had no any means of resist or defend themselves”, sabi ng joint team.
Ayon pa sa joint team, may sapat na probable cause upang litisin at panagutin sa nasabing krimen ang mga nasabing suspek.
Samantala kaugnay, nito, sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na hihilingin niya ang tulong ng Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities para maiparating ang mga subpoena sa 26 MILF commando.
Ang unang hakbang aniya ay alamin kung nasaan ang 26 MILF na 13 dito ay mga battalion at field commander ng 105th at 118th base Command ng MILF.
Nilinaw naman ng kalihim, ang 90 indibidwal na nakasuhan ay ang mga taong sangkot lamang sa engkwentro sa maisan sa Bgy. Tukanalipao. Magkakaroon pa aniya ng ikalawang bahagi ang imbestigasyon sa pagkakapatay sa siyam na 84th Seaborne Company commandos.
- Latest