Bagyo sa labas ng PAR papasok sa Miyerkules
MANILA, Philippines – Isang bagyo sa labas ng Philippine area of responsibility ang inaasahang papasok sa Miyerkules o Huwebes, ayon sa state weather bureau.
Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyo sa 2,200 kilometro silangan ng Luzon.
Sinabi ng PAGASA na wala namang direktang epekto ang bagyo sa bansa at mababa ang tsansa nitong tumama sa kalupaan.
Sa kabila nito ay makararanas pa rin ng pag-ulan ang bansa dahil paiigtingin ng bagyo ang hanging habagat.
Pangangalanang “Jenny” ang bagyo kapag tuluyan nang pumasok ito sa PAR.
- Latest