Pinay tiklo sa P30-M alahas sa NAIA
MANILA, Philippines – Isang Pinay ang nahuli sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 (NAIA-T3) bitbit ang may 259 pirasong mamahaling alahas na sinasabing may P30 million ang halaga galing Hongkong.
Ayon sa ulat, isang Rosemarie Clemente ng Tandang Sora, Quezon City ang nagdala ng mga alahas para ipuslit papalabas ng paliparan noong nakaraang Sabado ng gabi.
Sabi sa report, itinawag ang impormasyon sa mga awtoridad sa airport ng mga counter-part nila sa Hongkong na si Clemente ay magpapasok ng mamahaling alahas sakay ng eroplanong Tiger Air na darating sa paliparan ng 11:20 pm noong Sabado.
Sinabi sa ulat, hindi idineklara ni Clemente ang mga alahas ng tanungin siya ng Customs examiner kung may idedeklara siyang mga taxable goods. Ayon sa paliwanag ni Clemente, matapos makita na may dala itong mga mamahaling alahas na nakasiksik sa mga damit nito na nakalagay sa hand carry luggage na mga undeclared jewelries ay ipinadala lamang sa kanya ng isang Lydia Cheung at isang cellphone umano ang ibibigay sa kanya oras na nailabas niya ito sa nasabing lugar.
Kasong smuggling ang isasampang kaso kay Clemente ng mga awtoridad sa Pasay City Prosecutor’s Office samantala ang mga alahas na bitbit nito ay nasa Customs coral for safekeeping.
- Latest