^

Bansa

Poe-Chiz coalition! 33 Agri-Biz group nag-alyansa

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binuo na ng isang multi-agri alliance na kinabibilangan ng  33 farmers and agri-associations sa buong bansa ang isang coalition na susuporta sa independenteng tambalan nina Sen. Grace Poe at Sen. Chiz Escudero sa 2016 presidential polls.

Ayon sa pangulo ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) at chairman ng ABONO Partylist ang tambalang Poe-Chiz ay titiyak sa pag-unlad ng sektor ng pananakahan sa susunod na anim na taon.

Ayon kay So, kapwa nasa puso nina Poe at Escudero ang interes ng sektor ng agrikultura.

Dagdag ni So “Senator Grace Poe is batting for the irrigation of 500,000 hectares. Senator Escudero, for his part, wants more budget for farm-to-market roads which will lower the prices of agri products.”

Sinabi ni So na nakikinita niya ang pag-unlad ng ekonomiya sa pamamahala ni Grace Poe bilang Pangulo at Chiz Escudero bilang pangalawang Pangulo dahil diyak na sisigla ang agrikultura sa pamamagitan ng malinaw nilang programa para dito.

Sa pagdedeklara ng kanyang presidential bid, tiniyak ni Poe na pagtutuunan niya ng pansin ang pagpapasigla sa agricultural sector kung mananalo siya bilang Pangulo.

Samantala, kahit bilang senador ay laging prayoridad ni Escudero ang kapakanan ng mga magbubukid na aniya’y ikinintal sa kanyang isip ng kanyang ama na si dating Agriculture Minister Salvador Escudero III.

Nauna rito, tinuligsa ni Escudero ang pamahalaan dahil sa underspending para sa mga programa sa agrikultura na aniya’y panganib sa food security ng bansa.

Hinimok niya ang Fertilizer and Pesticide Authority na ta­lakayin sa mga manufacturers ang posibleng pagbababa sa halaga ng abono.

Sa ilalim ng Poe-Escudero administration, makatitiyak din na masusugpo ang talamak na smuggling ng mga produktong pang-agrikultura na noon lang 2014 ay umabot sa halagang P37.35 billion ayon kay So.

Si Senator Poe ang may akda sa Senate bill 2348, o An Act Amending Presidential Decree No. 1464, na kilala bilang Tariff and Customs Code of the Philippines, defining smuggling as an act that constitutes economic sabotage.

AGRICULTURE MINISTER SALVADOR ESCUDERO

AN ACT AMENDING PRESIDENTIAL DECREE NO

ANG

AYON

CHIZ ESCUDERO

ESCUDERO

FERTILIZER AND PESTICIDE AUTHORITY

GRACE POE

PANGULO

POE

SAMAHANG INDUSTRIYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with