^

Bansa

3-in-1 PayMaya Visa card pwede sa LRT/MRT

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Simula ngayon, mae-enjoy na ng mga Pilipino ang PayMaya VISA card with beep na unang live three-in-one card na magagamit sa pagbabayad sa LRT/MRT fares, online commerce at face-to-face store transactions.

Ang PayMaya Visa card ay may built-in beep wallet bukod pa sa magagamit sa ibang online transactions.

Inilunsad ito ng Smart eMoney, Inc. na siyang digital financial innovations unit ng PLDT at Smart Communications, Inc. (Smart).

Layon ng 3 in 1 card na mabigyan ng madaling pakikipagtransaksiyon ang publiko kung saan may mga benepisyo rin tulad ng  ibang visa card sa ilalim Automated Fare Collection System (AFCS).

Pinadadali nito ang sistema sa pakikipagtran­saksiyon dahil maaaring gamitin ito sa light railway transport system at online shopping sites tulad ng Zalora, Philippine Airlines at AirBNB sa pamamagitan ng PayMaya mobile app.

Ang special limited offer na PayMaya Visa Card with beep na makukuha bago matapos ang taon ay libre at may bonus na P30 beep stored value kung lo-loadan ito ng P100 sa PayMaya activation booths sa ilang piling MRT at LRT stations. Maari ring i-download  ang PayMaya app sa Google Play.

“Our PayMaya Visa Card, the first live card of its kind in the country will enable Filipinos to extend their carded experience beyond beep and further to online commerce. This is another big milestone for us as a global leader in financial inclusion,” ani Orlando B. Vea, president ng Smart eMoney.

ACIRC

ANG

AUTOMATED FARE COLLECTION SYSTEM

CARD

GOOGLE PLAY

INILUNSAD

ORLANDO B

PAYMAYA

PHILIPPINE AIRLINES

SMART COMMUNICATIONS

VISA CARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with