^

Bansa

‘Bagong Umaga’ nina Grace at Chiz salungat sa ‘Daang Matuwid’ – Palasyo

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naniniwala si Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na magkasalungat at nakakalito ang mensaheng nais iparating nina Senators Grace Poe at Francis “Chiz” Escudero dahil sa paggamit niya ng jingle na “Bagong Umaga” pero sinasabing itutuloy din ang “daang matuwid” na plataporma ng kasalukuyang administrasyon.

Sinabi ni Lacierda na hindi malinaw kung nais ng dalawang senador ng pagbabago o itutuloy ang nasimulan na ng admi­nistrasyon ni Pangulong Aquino.

“They have shown, for instance, in their [campaign] jingle ‘Bagong Umaga’ and yet they claim ‘Daang Matuwid.’ So med­yo confusing ang message nila. Do you want change or do you want continuity? “ ani Lacierda.

Idinagdag nito na malinaw ang nais mangyari ng kandidato ng admi­nistrasyon sa pangunguna ni dating Interior Secretary Mar Roxas na itutuloy ang nasimulan ng administrasyon na daang matuwid.

Binanggit din ni Lacierda na mismong si Poe naman ay kinikilala ang bunga ng daang matuwid bagaman at hindi naman nila inaangkin ang monopolya sa paggamit ng nasabing terminolohiya.

“Senator Grace Poe acknowledges the fruits of Daang Matuwid. It is true that nobody has a monopoly on Daang Matuwid but we do have, to a large extent and as a matter of phraseology, as a matter of terminology, the Aquino administration has always had daang matuwid,” ani Lacierda.

Ipinaalala rin ni Lacierda na ang daang matuwid ay unang lumutang sa kampanya ni Aquino noong 2010.

ACIRC

ANG

AQUINO

BAGONG UMAGA

DAANG

DAANG MATUWID

INTERIOR SECRETARY MAR ROXAS

LACIERDA

MATUWID

PANGULONG AQUINO

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON EDWIN LACIERDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with