^

Bansa

Para makaakit ng turista DOT kinalampag sa peace & order

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Upang makamit ang target na 10 milyon turista kada taon, dapat tutukan ng Department of Tourism (DOT) ang peace and order sa iba’t ibang tourist destination sa bansa.

Sinabi ni Buhay partylist Rep. Lito Atienza, ang Pilipinas ang isa sa mga bansang may pinakamagandang beaches sa buong mundo at marami rin magagandang pasyalan subalit pang anim lang tayo sa Asean nations pagdating sa tourist arrivals na umaabot lang sa 4.8 milyon.

Nangunguna umano sa listahan ang Malaysia na may 27 million, sumunod ang Thailand na 24 milyon, Singapore 15 million, Indonesia 9.4 million at Vietnam na may 7.8 million habang ang Cambodia ay pang pito sa listahan na 4.5 million.

Ito ay dahil sa hindi umano kumbinsido ang mga turista na magtungo sa bansa sa kabila ng magagan­dang tourist destination tulad ng Palawan, Boracay at Malaspacua dahil bukod sa malalang daloy ng trapiko ay bunsod na rin sa pagbagsak ng peace and order sa bansa.

Giit ni Atienza, napapanahon na para kumilos si DOT Sec. Ramon Jimenez kung gusto nitong maabot ang 10 million target na tourist sa halip na sisihin ang nakaraang administrasyon.

Ang reaksyon ng kongresista ay bunsod sa interpellation ni Cebu 4th district Rep. Benhur Salimbangon na lubha na rin nababahala sa lumalalang krimen sa kanilang lalawigan na ginagawa sa kalagitnaan ng araw na lubha rin nakakaapeko sa mga turista doon.

ACIRC

ANG

ASEAN

ATIENZA

BENHUR SALIMBANGON

BORACAY

BUHAY

CEBU

DEPARTMENT OF TOURISM

LITO ATIENZA

RAMON JIMENEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with