1.3 M Pinoy lulong sa droga
MANILA, Philippines - Umaabot sa 1.3 milyong mga Pinoy na karamihan ay mga kabataan ang lulong sa droga.
Ayon kay PNP–Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF) Spokesman Supt. Roque Merdegia, nangangahuluan ito na isa sa bawat 100 Pinoy ay maituturing na mga drug addict.
Sinabi ni Merdegia na halos nasa kalahati ng isang milyong mga drug addict ay nasa Metro Manila.
Tinukoy ng opisyal ang mga pangunahing illegal na droga na ginagamit ay shabu, marijuana, ecstasy at ang bagong rape drugs.
Samantala lumipat sa mga probinsya ng Tarlac, Masbate at Cagayan ang mga illegal na operasyon ng ipinagbabawal na gamot sa bansa dahil batid ng mga sindikato na nakatutok ang operasyon ng mga anti-drug operatives sa National Capital Region.
Aminado naman si Merdeqia na kulang ang AIDSOTF sa tauhan na nasa 92 lamang sa buong Pilipinas at ang kanilang pondo ay nakabase sa ilalaan ng tanggapan ni PNP Chief Director General Ricardo Marquez.
Mula Enero 2015 hanggang sa kasalukuyan ay umaabot na sa 273 kilo ng shabu ang nasamsam kumpara sa mahigit P3 bilyon noong 2014.
- Latest