200 local officials lumipat sa NPC
MANILA, Philippines - Halos 200 local officials mula sa iba’t ibang partido kabilang na sina Caloocan City Rep. Recom Echiverri at Camarines Sur Rep. Rolando Andaya ang nanumpa sa kampo ng Nationalist Peoples Coalition (NPC) kahapon.
Si Echiverri ay miyembro ng Liberal Party habang si Andaya naman ay kilalang kaalyado ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo.
Sinabi ni NPC Secretary General at Batangas Rep. Mark Leandro Mendoza, karamihan sa mga nag-ober da bakod sa kanilang partido ay mula sa LP, Nacionalista Party (NP) at United Nationalist Alliance (UNA) na mula sa mga lalawigan ng Camarines Sur, ilang bahagi ng Metro Manila, Quezon, Batangas at Laguna.
Ayon pa kay Mendoza, nagulat na lamang sila dahil matapos magdeklara ng kandidatura sina Senators Grace Poe at Chiz Escudero ay marami ng tumawag sa kanila at gustong lumipat.
Ito ay sa kabila ng wala pang inihahayag na susuportahan ang NPC para sa 2016 presidential elections.
Nilinaw naman ng kongresista na bubuo muna sila ng coalition ng political parties at saka magdedesisyon kung sino ang kanilang susuportahan sa darating na halalan.
- Latest