Panahon ng mga balimbing dumating na – Palasyo
MANILA, Philippines – Ilang buwan bago ang nalalapit na eleksyon, dumating na ang panahon ng mga balimbing ayon sa Malacañang ngayong Biyernes.
Sinabi ito ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte matapos lumipat ang 200 lokal na opisyal sa National People's Coalition (NPC).
Aniya normal na ito sa bansa na bago ang eleksyon ay naglilipatan ng partido ang mga politiko.
"If you look at the history of every major election that we've had, you will always see shifts in the landscape of your political parties," pahayag ni Valte.
Naglipatan sa NPC ang iba’t ibang opisyal matapos kumpirmahin ni Sen. Grace Poe ang kaniyang pagtakbo bilang pangulo sa 2016.
Suportado ng NPC ang kandidatura ni Poe at ng kaniyang runningmate na si Sen. Francis Escudero.
Sa kabila nito ay hindi naman nababahala ang administrasyon sa paglipat ng iba sa NPC.
"'Yung thrust kasi ng Pangulo, 'yung hindi na personality politics ‘yung isusog natin kailangan plataporma 'yung pinag-uusapan natin," wika ni Valte said.
"What is important for the President and his chosen candidate is that they continue to argue and to discuss based on programs, policies, et cetera at kung bakit dapat ituloy.”
- Latest