^

Bansa

Mar inalok si Robredo maging VP sa 2016

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pormal nang inalok ni Interior Secretary Manuel "Mar" Roxas II si Camarines Sur Rep. Leni Robredo upang maging runningmate niya sa eleksyon sa susunod na taon.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, kinumpirma ni Robredo na inalo siya ni Roxas na tumakbong bise presidente.

Wala pa namang desisyon ang kongresista kung tatakbo ba siya sa mas mataas na posisyon sa ilalim ng tiket ng Liberal Party.

BASAHIN: LP kumikiling na kay Leni bilang VP Primary tabs

Aniya kailangan muna niyang marinig ang opinyon ng kaniyang mga anak.

Nauna nang sinabi ni Robredo na tatakbo lamang siyang bise president kung wala nang ibang pwede pa.

Patuloy ang paghahanap ni Roxas ng makakatambal sa 2016 matapos tanggihan ni Sen. Grace Poe ang kaniyang alok.

Makakalaban ni Roxas si Poe na tatakbo bilang independent candidate kasama ni Sen. Francis Escudero.

 

ANIYA

AYON

CAMARINES SUR REP

FRANCIS ESCUDERO

GRACE POE

INTERIOR SECRETARY MANUEL

LENI

LENI ROBREDO

LIBERAL PARTY

ROBREDO

ROXAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with