^

Bansa

LP officials mag-o-‘ober da bakod’ sa NPC

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mag-o-“ober da bakod” na sa partidong Nationalist Peoples Coalition (NPC) ang mga opisyal ng Liberal Party (LP).

Sinabi ni NPC spokesman at Quezon Rep. Mark Enverga, na ngayong araw ay manunumpa na ang mga bagong local officials ng LP sa kanilang partido mula sa ibat-ibang lalawigan tulad ng Quezon at Laguna.

Ang dahilan umano ng pag-o-ober da bakod ng LP local officials ay dahil ang NPC ay tiyak ng susuportahan ang Poe-Chiz tandem sa 2016 presidential elections.

Itinatanggi naman ni LP spokesman at Easter Samar Rep. Ben Evardone na nagsisikalasan na ang mga myembro ng partido ngayong nagdeklara na si Sen. Grace Poe at Sen. Chiz Escudero. 

Ayon kay Evardone, hindi totoo na umaalis sa partido ang mga miyembro nila dahil lamang sa pagtakbo ni Poe sa halalan.

Kung tutuusin pa nga ay marami pa ang gustong sumapi sa LP yun lamang ay hindi nila maasikaso dahil wala pa silang active recruitment sa ngayon.

Naging maugong ang balitang marami sa mga myembro ng LP at koa­lisyon nito mula sa ibang partido ang kakalas ng suporta kay LP standard bearer Mar Roxas para magbigay ng suporta sa tatakbong Pangulo na si Poe.

Subalit aminado naman ito na may conflict sila sa kanilang mga opisyal sa lokal kung saan inihalimbawa nito sa Western Samar na ang Governor doon ay miyembro ng NPC su­balit ang sinusuportahan nito ay si Roxas.

ACIRC

ANG

BEN EVARDONE

CHIZ ESCUDERO

EASTER SAMAR REP

GRACE POE

LIBERAL PARTY

MAR ROXAS

MARK ENVERGA

NATIONALIST PEOPLES COALITION

QUEZON REP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with