^

Bansa

NET25 di pag-aari ng INC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nilinaw kahapon ng Eagle Broadcasting Corporation na ito ang may-ari ng NET25 na isang television broadcasting network at hindi ang Iglesia ni Cristo.

Gumawa ng naturang paglilinaw sina Nicollete Veron Cruz, production in-charge ng current affairs, at Atty. Citedina Magno-Zarate, corporate secretary ng NET25. Ito’y bilang reaksyon sa isang ulat na lumabas sa Pilipino Star Ngayon noong Agosto 13, 2015 na nagsasaad na ‘bagsak sa survey ng INC si Mar Roxas na kandidatong presidente ng admi­nistrasyon sa halalan sa susunod na taon.

Pero, ayon kina Veron Cruz at Magno-Zarate, ang resulta ng naturang survey na lumabas sa programa nilang “Sa Ganang Mamamayan” ay hindi sumasalamin sa mga pananaw at opinyon ng mga miyembro ng INC at ng buong institusyon.

Ayon sa naturang survey, naniniwala ang mga miyembro ng INC na malabong manalo si Roxas sa halalang pampanguluhan sa taong 2016.

ACIRC

AGOSTO

AYON

CITEDINA MAGNO-ZARATE

CRISTO

EAGLE BROADCASTING CORPORATION

MAR ROXAS

NICOLLETE VERON CRUZ

PILIPINO STAR NGAYON

SA GANANG MAMAMAYAN

VERON CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with