^

Bansa

Gabinete ni PNoy magsisipagbitiw na

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inaasahang magsusumite na rin ng kanilang re­signation letter kay Pangulong Aquino ang iba pang miyembro ng Gabinete na may planong tumakbo sa darating na 2016 elections.

Kabilang sa inaasahang magsusumite ng kanilang resignation bago sumapit ang filing ng certificate of candidacy sa darating na Oct. 12-16 sina Agriculture Sec. Proceso Alcala, MMDA Chairman Francis Tolentino, Justice Sec. Leila de Lima, TESDA director-general Joel Villanueva at Health Sec. Janet Garin.

Maging si PhilHealth board member Rissa Hontiveros ay may plano na muling tumakbong senador.

Mga sasabak sa senatorial race sa 2016 sina de Lima at Tolentino sa ilalim ng Liberal Party habang si Villanueva ay sa ilalim naman umano ng senatorial ticket ng Poe-Chiz. Tatakbong kongresista naman sa 3rd district ng Quezon province si Alcala at Iloilo congressional district naman si Garin.

Magugunita na nagbitiw na sa kanilang tungkulin sina Food Security adviser Sec. Kiko Pangilinan epek­tibo sa Sept. 30 dahil tatakbo din itong senador sa ilalim ng LP gayundin si Energy Sec. Jericho Petilla.

Nagsumite na rin ng kanyang resignation si Trade Sec. Gregory Domingo kamakailan kay PNoy subalit pinalawig pa ang panunungkulan nito hanggang sa December 2015 dahil sa APEC event.

ACIRC

AGRICULTURE SEC

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

ENERGY SEC

FOOD SECURITY

GREGORY DOMINGO

HEALTH SEC

JANET GARIN

JERICHO PETILLA

JOEL VILLANUEVA

JUSTICE SEC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with