^

Bansa

200 students, magtatrapik na rin

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Para makatulong sa pagmamando ng daloy ng trapiko, isinabak na rin ang may 200 daang estud­yante   sa mga lansangan ng lungsod ng Muntinlupa kahapon.

Ayon kay Muntinlupa City Traffic Management Bureau (MTMB) chief Danidon Nolasco, kanilang dineploy ang may 200 bilang ng  mga estudyante, na  nagmula sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa na nasa 4th year ng kursong criminology.

Ang mga ito ay kanilang itinalaga sa mga pedestrian lane ng mga  pangunahing lansangan ng lungsod, na ang  District 1 ay mula sa Barangay Tunasan hanggang Barangay Bayanan at ang District 2 naman ay mula sa Barangay Alabang hanggang Barangay Sucat.

Ang deployment ng mga ito ay hinati sa dalawang shift,  na ang unang shift ay mula alas-5:00 ng umaga hanggang ala-1:00 ng hapon  at ang pangalawang shift ay mula ala-1:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Sila ang aagapay sa mga traffic enforcer para magmando ng daloy ng trapiko sa naturang lungsod at maging sa mga pedestrian para sa disiplina ng mga ito.

Ito ay bilang kasunduan ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa at mga unibersidad na nasa hurisdiksiyon nito bilang bahagi sa subject ng internship program ng isang college student na kumukuha ng naturang kurso para sa traffic management department.

ACIRC

ANG

BARANGAY ALABANG

BARANGAY BAYANAN

BARANGAY SUCAT

BARANGAY TUNASAN

DANIDON NOLASCO

MGA

MUNTINLUPA

MUNTINLUPA CITY TRAFFIC MANAGEMENT BUREAU

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with